Malacañang pinasusuko si Liza Maza
MANILA, Philippines — Hinimok ng Malacañang si National Anti-Poverty Commission (NAPC) lead convenor Sec. Liza Maza na sumuko na lamang sa mga awtoridad matapos maglabas ng arrest warrant ang isang korte laban sa kanya at 3 pang dating kongresista mula sa Makabayan bloc.
Bukod kay Sec. Maza ay target din ng arrest warrant na ipinalabas ng regional trial court ng Nueva Ecija sina dating Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo, Teddy Casiño at dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
Akusado ang apat sa pagdukot at pagpatay kina Danilo Felipe noong 2001, Jimmy Peralta, noong 2003 at Carlito Bayudang noong 2004 na pawang tagasuporta ng kalabang partylist na Akbayan.
“We expect Cabinet members to adhere to rule of law in the Philippines. Sec. Liza Maza should heed warrant of arrest or she may become a fugitive if she does not surrender to RTC,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Sabi ni Roque, magmula ng maging miyembro siya ng gabinete ay hindi pa niya nakitang dumalo sa cabinet meeting si Maza.
“NAPC head Liza Maza must surrender to regional trial court to prove her innocence,” dagdag pa ni Roque kahapon.
- Latest