130K guro, pulis, jailguards, bumbero kailangan ng gobyerno
MANILA, Philippines — Nakatakdang mag-recruit ang pamahalaan ng 130,000 mga guro, pulis, jailguards at mga bumbero sa susunod na taon sa pinakamalaking job fair sa kasaysayan ng bansa.
Ayon kay House Deputy Speaker Rolando Andaya Jr., ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang recruitment sa pamamagitan ng “Budget Message” nito sa panukalang P3.757 trilyong national budget sa 2019 upang higit pang maiangat ang estado ng serbisyo publiko.
Sinabi ni Andaya na ang 10,000 mga bagong puwesto para sa mga guro ang lilikhain sa nasabing programa kabilang dito ang P2.21 bilyong inisyal na suweldo para sa panukalang P529 pondo ng Department of Education (DepEd).
Nais din ng punong ehekutibo na mapunan ang105, 529 bakanteng posisyon sa DepEd na popondohan ng P27.6-B na kabilang na sa 2019 outlay ng departamento.
Bukod sa mga guro ay magre-recruit din ng 10,000 Police Officers 1; 2,000 Jail officers at 3,000 Fire officers 1.
Ang mga bagitong pulis at jailguards ay popondohan ang unang taong suweldo ng P1.38 bilyon at doble ang nasabing halaga para sa PNP personnel na nauna nang pangako ng Pangulo.
- Latest