Bangsamoro Law pirmado na ni Digong

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-69 na Araw ng Ipil sa Zamboanga Sibugay, inanunsyo ng Pangulo na pirmado na nito ang inaabangang batas para sa mga Bangsamoro.

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Duterte bilang isang batas ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-69 na Araw ng Ipil sa Zamboanga Sibugay, inanunsyo ng Pangulo na pirmado na nito ang inaabangang batas para sa mga Bangsamoro.

Ayon naman kay Special Assistant to the President Bong Go, magkakaroon pa rin ng cere­monial signing ang BOL kung saan ay dadalo ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi pa ng Pangulo, nais din niyang makausap si MNLF founding chairman Nur Misuari.

Aniya, matatanda na sila ni Brother Nur para makipag-bakbakan kaya nais niyang makausap ito lalo ngayong pirmado na niya ang BOL.

Samantala, hinikayat din ng Pangulo ang publiko na suportahan ang isinusulong na federal govern­ment dahil maka­kabuti ito para sa lahat.

Related video:

Show comments