Bangsamoro Law pirmado na ni Digong
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Duterte bilang isang batas ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-69 na Araw ng Ipil sa Zamboanga Sibugay, inanunsyo ng Pangulo na pirmado na nito ang inaabangang batas para sa mga Bangsamoro.
Ayon naman kay Special Assistant to the President Bong Go, magkakaroon pa rin ng ceremonial signing ang BOL kung saan ay dadalo ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sinabi pa ng Pangulo, nais din niyang makausap si MNLF founding chairman Nur Misuari.
Aniya, matatanda na sila ni Brother Nur para makipag-bakbakan kaya nais niyang makausap ito lalo ngayong pirmado na niya ang BOL.
Samantala, hinikayat din ng Pangulo ang publiko na suportahan ang isinusulong na federal government dahil makakabuti ito para sa lahat.
Related video:
- Latest