Edukasyon apektado ‘pag ‘di naipasa ang TRAIN 2
MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Education Sec. Leonor Briones na apektado ang sektor ng edukasyon sa bansa kapag hindi naipasa ng Kongreso ang 2nd package ng TRAIN Law.
Ayon kay Sec. Briones, mapipilitan ang gobyerno na mangutang upang pondohan ang mga gastusin para sa pampasweldo sa may 800,000 guro sa buong bansa, pagpapatayo ng mga paaralan at iba pang pangangailangan ng mga pampublikong paaralan.
Idinagdag pa ni Briones, hindi rin nararapat isisi sa TRAIN Law ang mataas na inflation rate dahil hindi naman ang nasabing batas ang tunay na dahilan nito kundi ang mas malaking dahilan ay ang global increase sa presyo ng produktong petrolyo at iba pang external factor.
Aniya, nasa P528 bilyon ang proposed 2019 budget ng DepEd at kapag nabigong maipasa ang 2nd package ng TRAIN Law ay maaapektuhan ang kanilang pondo kaya mapipilitan ang gobyerno na mangutang para pondohan ito.
- Latest