Patay sa bagyo at habagat dumarami
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 13 katao ang naitalang nasawi habang pito namang mangingisda ang nawawala dulot ng pagbayo ng habagat at magkakasunod na bagyo sa mga apektadong lugar sa bansa na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslide partikular na sa Central at Northern Luzon, ayon sa pinagsamang ulat ng pulisya at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.
Sa report ng pulisya, nasa siyam katao na ang nasawi sa matinding hagupit ng bagyong Henry, Inday, Josie na pinatindi pa ng habagat simula nitong nakalipas na linggo. Gayunman, apat pa lamang ang nasawi sa naireport ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) .
Gayunman, sa isang ulat kahapon ng hapon o habang isinusulat ito, pito pa katao ang nasawi sanhi ng pananalasa ng bagyong Josie at habagat sa Region IV A at Central Luzon, ayon sa mga opisyal nitong Lunes ng hapon.
- Latest