Isyu sa kahirapan inaasahan sa SONA
MANILA, Philippines — Inaasahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tatalakayin ni Pangulong Duterte sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito ang mga issue tungkol sa kahirapan at tila breakdown ng batas at kaayusan ng bansa.
Sinabi ni Sen. Drilon, nais niyang marinig mula sa Pangulo ang plano ng administrasyon nito sa patuloy na pagtaas ng inflation, na siyang dahilan sa pagtaas din ng presyo ng mga bilihin.
Tinukoy rin ng senador ang walang pakundangang pamamaslang na nangyayari sa bansa, kabilang na ang pinatay kamakailan na mga pari at local government officials.
Idinagdag pa nito, dapat din daw na magkaroon ng policy statement si Pangulong Duterte hinggil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Bukod dito, inaasahan din ng minority leader na banggitin ng Pangulo ang kanyang plano kung paano maibabalik ang law and order sa bansa matapos hindi naman niya natupad na sugpuin ang drug problem sa loob ng 6 na buwan.
- Latest