6 lalawigan sa N. Luzon signal no. 1 kay ‘Josie’
MANILA, Philippines — Matapos umalis sa bansa ang bagyong Inday, naging bagyong Josie na ang isang low pressure area na namataan noon ng PAGASA sa South China Sea.
Alas-2 ng hapon kahapon, si Josie ay nasa layong 85 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour at may pagbugso na 65 kph.
Si Josie ay kumikilos sa silangan timog silangan sa bilis na 15 kph.
Nakataas ngayon ang signal No. 1 sa Batanes, Northern Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur, Apayao at northern portion ng Abra.
Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija samantalang paminsan minsang pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Ngayong Linggo, inaasahang si Josie ay nasa layong 80 km silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes at sa Lunes ay nasa layong 560 km hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes at palabas na ng bansa.
- Latest