‘Pabahay ni Pacquiao’ fake news
MANILA, Philippines — Mariing pinabulaanan kahapon ng tanggapan ni Senator Manny Pacquiao ang kumakalat na post sa Facebook na mamimigay umano siya ng sasakyan at house and lot bilang balato.
Ayon kay Rene Casibang, media officer ni Pacquiao, puro peke ang mga accounts na nangangakong magbibigay ng sasakyan at house and lot ang senador.
Nagbabala pa si Casibang kaugnay sa mga fake accounts at wala umanong kinalaman si Pacquiao sa mga nasabing accounts.
“Warning…beware of fake accounts.. Troll account po ito. Wala pong kinalaman ang butihing senador dito. Isa po itong fake. Huwag pong paniwalaan,” babala ni Casibang.
Kabilang sa mga sinasabing pekeng accounts sa Facebook ang “Proyektong Libreng Pabahay ni Sen. Manny Pacquiao” na halos 68,000 na ang nag-share.
Ayon sa post, ang mga gustong manalo ng bahay mula sa senador ay dapat lang i-like ang page, i-share ito, at sabihin kung saang lugar sa Pilipinas gustong magkaroon ng bahay.
- Latest