Digong manonood ng Pacquiao fight sa Malaysia
Nakatakdang magtungo sa Malaysia si Pangulong Duterte sa weekend upang manood ng laban ni Sen. Manny Pacquiao at makipagkita kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagpunta ng Pangulo sa Malaysia sa ?July 15-16 ay isang pribado at hindi official o working visit matapos makausap ni Duterte si PM Mahathir sa telepono kung saan ay binati nito ang 92-year old na lider sa muling pag-upo bilang prime minister.
Gaganapin sa Kuala Lumpur ang laban ni Pacquiao kay WBA Welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina sa ?July 15 sa 16,000-seat Axiata arena.
Matapos manood ng laban ay makikipagkita si Duterte kay Mahathir ukol sa bilateral concerns ng Pilipinas at Malaysia at para palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa.
Tinalo ni Mahathir si PM Najib Razak na kanyang dating protege. (Rudy Andal)
- Latest