^

Bansa

Pagtaas ng pamasahe sa jeep dagdag sa suliranin ng mahihirap

Pilipino Star Ngayon
Pagtaas ng pamasahe sa jeep dagdag sa suliranin ng mahihirap

MANILA, Philippines – Habang pabor sa mga tsuper ng jeepney ang pisong pagtaas sa pamasahe, dagdag naman ito sa suliranin para sa mga pasahero, ayon sa iba’t ibang grupo.

Nitong Biyernes ay itinaas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P9 minimum fare sa mga jeep para sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Itinaas ito kasunod ng pag-aray ng mga transport group sa mataas na presyo ng krudo.

Ngunit sinabi ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) at ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na pinalalala lamang ng pagtaas ng pamasahe ang suliranin ng mga mahihirap, habang hindi nito natutuganan ang kinakaharap ng mga tsuper at operator.

Sinisi ang pagtaas ng presyo sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law kung saan binaba ang income tax rates ngunit kapalit nito ay mas mataas na buwis sa krudo.

Depensa naman ng mga economic manager ng gobyerno na hindi lamang ang TRAIN ang tanging rason nito.

“Instead of addressing head-on the collapse of the income of jeepney drivers by repealing the oil deregulation law or suspending the collection of excise taxes on petroleum products, the Duterte administration opted to make the general public bear the burden,” sabi ni SPARK spokesperson Jade Lyndon Mata.

“A P1 fare hike won’t help drivers and operators put food on the table or send their children to school or pay rent or utility bills. Instead, the fare hike is intended to pass on to commuters the burden of paying for overpriced and overtaxed fuel, which the Duterte administration brought on itself through anti-people measures such as TRAIN and Oil Deregulation Law,” ani KMU chairman Elmer Labog.

Ayon sa grupo, ang kailangan ng mga Pilipino ay ipawalang bisa ang TRAIN law.

Ang mataas na pandaigdigang presyo ng langis—na pinalala ang pagbagsak ng piso—ay siyang ring dahilan ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Ang inflation ay tumaas ng 5.2 percent noong June mula 4.6 percent noong Mayo, tinalo ang hula ng central bank na mula 4.3 ay tataas sa 5.1 percent.

“What drivers and other Filipino workers need is not a fare hike. We need the TRAIN law to be junked. We need the National Minimum Wage Bill passed. We need our wage increased to P750 a day for all workers across the country,” ani Labog.

“The fare hike merely placed the issue of wage increases and the urgency to repeal the TRAIN law front and center. Further denial of the demands for economic relief is a political weapon the people will aim at the Palace,” dagdag ni Mata.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with