Typhoon ‘Maria’ papasok ngayon sa PAR
MANILA, Philippines — Napanatili ng Typhoon Maria (international name) ang lakas nito habang papalapit sa bansa at nagbabantang magdala ng matinding mga pag-ulan.
Alas-10 ng umaga kahapon, ang bagyo ay namataan sa layong 1,820 kilometro silangan ng Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour at bugso na 225 kph.
Ayon kay PAGASA metereologist Aldczar Aurelio, inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang bagyo ngayong Lunes ng umaga kung magpapatuloy ang kilos nito sa bilis na 15 kph.
Oras na pumasok sa bansa, ang bagyo ay tatawaging Gardo.
Bagaman hindi inaasahang magla-landfall, palalakasin naman nito ang habagat o southwest monsoon na magdadala ng malawakang pag-ulan sa Luzon at Visayas.
Apektado ng habagat ang Metro Manila, Western Visayas, Mimaropa at mga probinsiya ng bataan, Zambales, Batangas at Cavite.
- Latest