P9 pasahe sa jeep ‘di pa maipapatupad

d Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pampasaherong jeep. Ito ay dahil hanggang kahapon ng alas-5 ng hapon ay hindi pa rin nagpapalabas ang LTFRB board ng official order para sa taas pasahe.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hindi pa rin maipa­tutupad ang naapruba­hang provisional P1 fare increase ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pampasaherong jeep.

Ito ay dahil hanggang kahapon ng alas-5 ng hapon ay hindi pa rin nagpapalabas ang LTFRB board ng official order para sa taas pasahe.

Mula P8 ay magiging P9 na ang minimum na pasahe sa kada apat na kilometrong takbo ng mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4 matapos aprubahan sa meeting ng LTFRB ang provisional fare hike.

Aminado naman si LTFRB Chairman Martin Delgra, na napapanahong maitaas ang singil sa pasahe sa jeep upang mapagaan ang gastusin ng mga operator at driver nito.

Ang pagtataas ng Piso sa pasahe ay bilang tugon sa hiling ng limang transport group sa LTFRB na bigyang daan muna ang pagsasagawa ng provisional fare hike habang wala pang desisyon sa kanilang petition na P2 fare hike sa minimum na pasahe.

Ang provisional fare hike ay hindi na kina­ka­ilangan ng public hearing kayat oras na maipalabas ang nilagdaang board decision sa P1 fare hike ay awtomatiko itong ipatutupad sa lahat ng passenger jeepney sa MM, Region 3 at 4.

Show comments