^

Bansa

Car plates ipamamahagi na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Car plates ipamamahagi na
Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isang simpleng seremonya sa LTO main office sa East Avenue, Quezon City ang pamamahagi ng car plates kasama si Special Assistant to the President Christopher “Bong” go na pormal na nag-abot ng mga plaka ng sasakyan sa mga automotive dealers.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng Department of Transportation (DOTr), ang pamamahagi ng plaka ng mga sasakyan na narehistro noong Hulyo 2016.

Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isang simpleng seremonya sa LTO main office sa East Avenue, Quezon City ang pamamahagi ng car plates kasama si Special Assistant to the President Christopher “Bong” go na pormal na nag-abot ng mga plaka ng sasakyan sa mga automotive dealers.

Sinabi ni Tugade na maaaring kunin ng mga vehicle owners ang kanilang mga plaka sa Authorized District Office (ADO) o sa kanilang mga dealer.

Sa record ng LTO, may 231,332 pares ng motor vehicle plates ang nagawa na ng LTO Plate Making Plant mula nang pasimulan ito noong Abril ngayong taon.

Sapat anila ang naturang mga plaka para mapunuan ang July hanggang December 2016 requirements.

Gayunman, ang paglalabas ng mga plaka ay unti-unti lamang at iaanunsyo na lamang sa mga susunod na buwan.

Nabatid naman na hindi pa rin matatanggap ng mga motorista na nagparehistro ng sasakyan mula 2013 hanggang Hunyo 2016, ang kanilang mga license plates, dahil magkaiba ang kontrata mula sa ibang supplier. (Angie dela Cruz)

TRANSPORTATION SECRETARY ARTHUR TUGADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with