Ilang senador kumampi sa Gilas
MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng ilang senador ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas sa nangyaring pakikipagrambol sa Australian team sa FIBA World Cup Qualifier kamakalawa.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, maituturing na “unfortunate” ang nasabing pangyayari pero naninindigan siya para sa Gilas team dahil ang totoong batayan ng pagiging fan ay ang hindi pag-iiwan sa kanyang team manalo o matalo.
Sabi ni Angara, maiiwasan sana ang nasabing pangyayari kung naging mahigpit ang mga referee na humawak ng laro.
Ani Angara, natural lamang para sa mga manlalaro na ipagtanggol ang bawat isa sa kanilang grupo na bahagi na ng “brotherhood.”
Sa kabila nito, dapat pa ring patawan ng parusa ang mga nagkasala, humingi ng tawad na tatak ng totoong manlalaro.
Maging ang mga “non-players” umano na nakisali sa gulo ay dapat ding parusahan.
Binatikos naman ni Sen. JV Ejercito ang Australian player na si Daniel Kickert dahil sa pagiging arogante at maruming laro habang nagsasagawa pa lamang ng warm-up.
Maging si Senate President Tito Sotto ay kumampi sa Gilas Pilipinas.
“Respect the visitors? Stupid! They started the fight!” sabi ni Sotto.
Related video:
- Latest