MANILA, Philippines — Bumaba ngayon ang incident rate ng walong focus crimes na tinututukan ng Philippne National Police kumpara noong nakaraang taon.
Base sa datos na inilabas ng PNP, ang incident rate ng mga kasong murder ay bumaba sa 54%, na mula sa 832 noong Enero hanggang Hunyo ng 2017 ay naging 381 na ito ng katulad na panahon ngayong taon.
Ang kaso ng homicide ay nabawasan nang 45% mula 242 hanggang 134 , gayundin ang kaso ng physical injury ng 28% at rape ng 11 %.
Sa kabuuan, ang crime against person ay bumaba ng 32% sa loob ng anim ng buwan, mula 3,755 na kaso ng Enero hanggang Hunyo 2017 kung saan bumaba ito sa 2,535 nitong Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Ang kaso ng robbery ay bumaba ng 16% , mula sa 1,512 hanggang 1,266. Ang theft ay bumaba rin ng 23 gayundin din ang pagnanakaw ng motorsiklo ng 11%.