MANILA, Philippines — Pinaghahanda na ni Kabayan Rep. Ciriaco Calalang ang gobyerno dahil sa patuloy na pagbaba ng piso kontra dolyar.
Sinabi ni Calalang na, base sa forecasts ng mga government officials at private sector analysts, maaaring umabot pa sa P53 hanggang P54 ang palitan ng piso sa kada dolyar.
Ito umano ang dapat na paghandaan ng pamahalaan dahil apektado ng pagtaas ng halagang piso ang singil sa krudo, pagkain, kuryente, tubig, mobile phone charges at internet services.
Ayon kay Calalang, para maiwasan ang mabigat na epekto ng pagbagsak ng piso ay maaaring magbigay ang pamahalaan ng shock absorber tulad ng tax amnesty para sa macroeconomic at sa consumer levels.