JBC shortlist minamadali na

Ayon kay Atty. Milag­ros Fernan Cayosa, mi­yembro ng JBC, nais ni­lang mabigyan ng mahaba-habang panahon si Pangulong Duterte na mabusisi ang records ng sinumang malalagay sa shortlist.

MANILA, Philippines — Sisikapin ng Judicial and Bar Council  (JBC) na maisumite sa Malacañang ang shortlist para sa susunod na Chief Justice ng Korte Suprema sa huling linggo ng Agosto o unang linggo ng Setyembre.

Ayon kay Atty. Milag­ros Fernan Cayosa, mi­yembro ng JBC, nais ni­lang mabigyan ng mahaba-habang panahon si Pangulong Duterte na mabusisi ang records ng sinumang malalagay sa shortlist.

Mayroon anyang hang­gang July 26 ang mga nagnanais na mag-apply bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Cayosa na ang makakapasa sa first screening ang isasalang nila sa public interview.

Sa ngayon anya ay wala pang taga-labas ng Korte Suprema ang nagsumite ng aplikasyon para sa Chief Justice.

Samantala, awtomatiko namang kasama sa shortlist ang limang na­ngungunang mahistrado ng Supreme Court na sina Associate Justices Antonio Carpio, Presbitero Velasco Jr., Diosdado Pe­ralta, Teresita de Castro at Lucas Bersamin.

Show comments