MANILA, Philippines — Iisa lamang sa apat na Pilipino ang nakakaalam kung ano ang pederalismo na itinutulak na bagong system of government sa Pilipinas.
Ito ay batay sa pinakahuling SWS survey na ginawa noong March 23 hanggang March 27, 2018 sa face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults nationwide.
Ito ay nagpapakita lamang na nasa 25 percent lamang ng mga Pilipino ang may alam sa federal system of government na isinusulong sa ating bansa.
Aminado ang Malacañang na kulang pa din ang information drive ng pamahalaan ukol sa isinusulong na Federalism ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon kay Roque, dapat ay lalo pang paigtingin ang kampanya ng gobyerno sa federalism. (Rudy Andal)