MANILA, Philippines — Aabot sa 1,000 Filipina nurse ang kailangan ngayon sa Saudi Arabia.
Ito naman ang nabatid sa Philippine Overseas Employment Agency kung saan libre ang magiging aplikasyon nito sa kanila dahil government to government ang gagawing pagkuha sa mga nurse at hindi idadaan sa mga agency.
Sinasabing nasa 4,000 riyal ang paunang sahod o katumbas ng P58,000 na maaari pang tumaas ng hanggang P90,000.
Bukod sa suweldo, makakakuha rin ang mga nurse ng paid annual vacation leave na may libreng round trip plane ticket pauwi ng Pilipinas at libreng pagkain at tirahan.
Para makapag-apply, kailangan munang magparehistro online sa website ng POEA at dapat may Professional Regulation Commission (PRC) license, at dalawang taong karanasan sa pagtatrabaho bilang nurse.