^

Bansa

Pamamahagi ng NFA rice pinababantayan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pamamahagi ng NFA rice pinababantayan

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaan na tiyaking mapupunta sa tamang pinaglaanan ang inangkat na bigas ng National Food Authority (NFA) upang matiyak ang supply ng abot-kayang bigas sa merkado.

Kasunod ito ng pagdating sa mga palengke ng NFA rice na inimporta ng bansa mula Thailand.

Bago rito, sinabi ng pamahalaan na inaasahan nila ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pagdating ng unang bahagi ng imported rice, na ipapamahagi sa mga lalawigan sa Luzon at Mindanao. Ang nasabing bigas ay may dalawang uri, na ibebenta sa P27 at P32 kada kilo.

Umakyat ang presyo ng commercial rice sa merkado patungong P45 hanggang P50 kada kilo nang magkulang ang supply ng NFA rice mula noong Marso ng nakaraang taon

Sa pagdinig ng Senado, inamin ni NFA administrator Jason Aquino na nabigo ang ahensiya na tuparin ang 15-day buffer stock policy ng halos isang taon.

Dahil sa kapalpakang ito ng NFA, sinabi ni Bam na ito’y nagresulta sa pagtaas ng presyo ng bigas, kaya nadagdagan ang gastos ng pamilyang Pilipino sa bigas.

Sa kabila ng pagdating ng imported NFA rice, nanindigan si Sen. Bam na dapat magbitiw ang NFA administrator upang hindi na maulit ang nangyari noong nakaraang taon.

Nag-aalala rin si Sen. Bam na baka mapunta lang ang imported NFA rice sa mga kamay ng mga negos­yante at ibenta ito sa mas mataas na presyo.

BAM AQUINO

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NFA RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with