^

Bansa

Risa kay Digong: Huwag ilihis ang atensyon ng publiko

Jaeger Dwayne G. Tamaray - Pilipino Star Ngayon
Risa kay Digong: Huwag ilihis ang atensyon ng publiko

MANILA, Philippines – Hinamon ni Sen. Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magtago at magpakita ng tapang at malasakit sa pamamagitan ng pagharap nang tapat sa mga isyu na kinakaharap ng bayan.

“Kung tunay na may tapang at malasakit si Pangulong Duterte, harapin niya nang tapat ang mga isyu ng mamamayan. Huwag siyang magtago sa mga walang kapaki-pakinabang at nakakainsultong pahayag para ilihis ang atensyon ng publiko at pagtakpan ang kanyang mga pagkukulang at kapalpakan,” wika ni Hontiveros ngayong Miyerkules.

“President Duterte’s political antics have failed to amuse and have only dismayed. It’s time for President Duterte to cease his gibberish and face the issues,” dagdag niya.

Nag-ugat ang hamon ng senador sa pambabatikos ni Duterte sa Panginoon na sa tingin ni Hontiveros ay isang paraan ng pangulo upang umiwas suliranin ng bayan.

Sinagot naman ito ng Palasyo sa pamamagitan ng ng paghahain ng “list of accomplishments” na kinuwestyon ni Hontiveros.

“What accomplishments are Malacanang talking about? Saang planeta ba sila naroroon? All the people see is a long list of broken electoral promises,” hirit ni Hontiveros.

Aniya natalo si Duterte sa lahat ng kaniyang idineklarang laban mula nang maupo noong Hunyo 2016.

“President Duterte declared war on many fronts. A war against illegal drugs. A war against labor contractualization. A war against foreign domination. A war against poverty. The President has lost all the wars he has waged. He not only lost, he has cowered in the trenches and waved the white flag of surrender,” giit ni Hontiveros.

Ayon sa kanya, ang pangulo ay kasalukuyang nakatuon ang pansin sa pag-iwas sa mga isyung kinakaharap ng bayan sapagkat wala pa raw kongtretong patakaran ang palasyo ukol sa mga ito.

Nagbanggit ang senador ng ilang isyu tulad ng madugong laban sa droga, katiwalian, paghina ng piso at ang masamang dulot ng TRAIN Law sa mga Pilipino.

 

vuukle comment

RISA HONTIVEROS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with