Wala akong silbi - Digong

President Rodrigo Roa Duterte administers the oath of office of around 1,900 newly-elected barangay chairpersons in the Zamboanga Peninsula. The ceremony was held at the Municipal Gymnasium in Molave, Zamboanga del Sur on June 26, 2018.
PPD/Simeon Celi Jr.

MANILA, Philippines – Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili na “walang silbi” matapos malaman na mayroong 1.5 milyong pamilyang biktima ng krimen.

Ayon sa resulta ng Social Weather Survey na inilabas ng noong ika-21 ng Hunyo, bumaba ang porsyento ng mga pamilyang nabikitma ng krimen mula 7.6 percent noong Disyembre patungong 6.6 percent sa first quarter ng taong 2018.

Ngunit imbis na ikatuwa ito ni Duterte, kabaligtaran ang kaniyang naramdaman.

“Kapag ganito, wala akong silbi. I’ll ask you to join me, mag-resign na lang tayo,” wika ni Duterte sa kaniyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na kapitan ng barangay sa Zamboanga.

Ang bilang ng mga pamilyang nabiktima ng krimen ay isa sa mga punto ni Duterte upang paigtingin ang kanyang kampanya laban sa krimen.

“There seems to be a semblance of a republic and a nation but inside it’s topsy-turvy. It’s crime ridden,” wika ni Duterte.

Kaya naman inatasan ni Duterte ang pulisya na kapkapan ang mga tambay.

“Kakapkapan, maski sa America allowed ‘yan. Tingnan mo kung ma-aresto ka maski nandoon ka. Kakapkapan ka talaga,” wika ni Duterte.

Ang kampanya ni Duterte laban sa mga tambay ay mabigat na pinuna ng mga tao tulad ni Sen. “Bam” Aquino na nagpasa ng resolusyon upang suriin ang nasabing kampanya.

Show comments