^

Bansa

Duterte at Simbahang Katoliko mag-uusap

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte at Simbahang Katoliko mag-uusap
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa kanya ay itinalaga din ng Pangulo sina EDSA People Power Commissioner Pastor Boy Saycon at DFA Usec. Ernesto Abella bilang mi­yembro ng 3-man committee na makikipag-usap sa Simbahan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagtalaga si Pangulong Duterte ng 3-man committee upang maki­pag-dayalogo sa Simba­hang Katoliko matapos ang kanyang kontrobersyal na ‘Who is this stupid God’.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa kanya ay itinalaga din ng Pangulo sina EDSA People Power Commissioner Pastor Boy Saycon at DFA Usec. Ernesto Abella bilang mi­yembro ng 3-man committee na makikipag-usap sa Simbahan.

Sabi ni Roque, sini­mulan na ni Saycon ang pakikipag-ugnayan sa liderato ng Catholic Bi­shops Conference of the Philippines (CBCP).

Magiging sentro ng pag-uusap kung paano mababawasan ang hidwaan sa pagitan ng Simbahan at gobyerno.

Aniya, bibigyang-laya rin ng gobyerno ang Simbahan na maglatag ng mga isyung dapat napag-usapan.

Naniniwala rin si Roque na ito ang magi­ging magandang behikulo upang masimulan ang ‘harmonious relationship’ ng Simbahan at Duterte government.

Sinabi pa ni Roque, matagal nagtimpi ang Pangulo sa mga batikos ng Simbahan sa gobyerno lalo sa drug war pero ng maglabas ng kanyang sariling pananaw ang Pangulo sa kanyang paniniwala ay kaagad siyang ‘isinumpa’ ng Simbahan at kaparian.

Magugunita na kama­kalawa ng gabi ay ipinagtanggol mismo ng Pa­ngulo ang kanyang sarili sa kanyang paglalarawan sa ‘Who is this stupid God’.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag mismo nang humarap ito sa 1,919 ba­gong nahalal na barangay chairman mula sa Northern Mindanao sa Cagayan de Oro City.

“Your God is not my God because your god is stupid, mine has a lot of common sense,” wika ni Duterte patungkol kay Australian nun Sister Patricia Fox.

vuukle comment

PRESIDENTIAL SPOKESMAN HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with