^

Bansa

Duterte nasa Kuwait pagkatapos ng SONA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte nasa Kuwait  pagkatapos ng SONA
Sinabi ni Go na patuloy pa ang pag-uusap ng mga kinatawan ng Kuwait at ng Department of Foreign Affairs (DFA) para maplantsa ang petsang available ang Emir at ni Pangulong Duterte.

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na pagkatapos na ng State of the Nation Address (SONA) makakadalaw sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Go na patuloy pa ang pag-uusap ng mga kinatawan ng Kuwait at ng Department of Foreign Affairs (DFA) para maplantsa ang petsang available ang Emir at ni Pangulong Duterte.

Ayon kay SAP Go, wala pang eksaktong petsa ang pagdalaw ni Pangulong Duterte doon pero posible itong maisakatuparan sa Set­yembre.

Inihayag ni Sec. Go na nais ni Pangulong Duterte na personal na makita ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait kasunod ng mga reklamong pang-aabuso at ang pagpatay kay Joanna Demafelis na itinago pa ng mag-asawang suspek ang bangkay sa loob ng freezer.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with