Bahay ng mayayaman sa Boracay ipagigiba ko - Digong
MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Duterte na ipagigiba niya ang mga mararangyang bahay ng mga mayayaman sa Boracay dahil ang lupang tinitirikan ng mga ito ay sa mga magsasaka.
“So marami diyan doon (Boracay) ‘yung mga mayaman they have cottages there, they have the chalets, they have the bungalows. It’s not yours to decide. I will destroy your house because the land belongs to the farmers,” sabi ni Duterte.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa National Information and Communications Technology (ICT) summit sa Davao City noong Biyernes ng gabi.
Muling binanggit ng Pangulo na “agriculture” ang Boracay at idineklara na niya itong land reform area kaya ipamimigay niya ang lupa sa mga mamamayan lalo na sa mga Mangyan.
“Continued to rake profits, built a five-star… Whoever told you that you can play around with these f**** things? Ang Boracay is agriculture. So I have declared it a land reform area. And I will get the lands and give it to the people there --- to the original ‘yung mga Mangyans na wala talagang panahon sa buhay nila. Now it’s carried nationally. That is my stand,” sabi ng Pangulo.
Nauna ng inilarawan ng Pangulo ang Boracay bilang isang “cesspool” kaya ito ipinasara at isinasailalim sa rehabilitasyon.
Ayon pa sa Pangulo, ang Boracay ay maliit lamang na lugar at hindi nito kakayanin ang maraming tao.
Ipapaubaya niya sa Kongreso kung isasalba ang mga negosyo sa Boracay lalo na ng kanilang mga kaibigan pero dapat umano itong mapunta sa mga orihinal na mga naninirahan doon.
Tiniyak din ng Pangulo na hindi papayagan ang mga malalaking hotel dahil magiging dahilan ito upang patuloy na maging marumi ang dagat ng Boracay.
Related video:
- Latest