‘Parada ng Lechon’ sa Balayan

Matatakam habang nakikisaya ang mga local at foreign tourists sa pagparada ng daan-daang lechon na isinasagawa bilang paggunita sa matandang tradisyon ng taga-Balayan at paraan ng pasasalamat sa Patron na Saint John the Baptist sa masaganang pamumuhay na natatanggap ng mga mamamayan sa Kanluran district (western Poblacion) na tanyag din sa masarap na Bagoong Balayan.

MANILA, Philippines — Muling matutunghayan ang tinaguriang pista ng mga pista sa Pilipinas sa pamosong “Parada ng Lechon” ng Balayan, Batangas ngayon (Hunyo 24).

Matatakam habang nakikisaya ang mga local at foreign tourists sa pagparada ng daan-daang lechon na isinasagawa bilang paggunita sa matandang tradisyon ng taga-Balayan at paraan ng pasasalamat sa Patron na Saint John the Baptist  sa masaganang pamumuhay na natatanggap ng mga mamamayan sa Kanluran district (western Poblacion) na tanyag din sa masarap na Bagoong Balayan.

Para sa pagdiriwang ngayong taon, makikiisa sa ‘Parada ng Lechon’ sina Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go, Sen. Cynthia A. Villar at Cong. Karlo Nograles, kinatawan ng 1st District of Davao City.

Sa kasaysayan ng pananakop ng Espanya at ng Amerika, ang Balayan ay isa sa mahirap na kanayunan at ang ilang nakakaangat na pamilya ay magsasagawa ng parada ng lechon sa Plaza tuwing Enero 24 bilang pasasalamat sa biyayang natanggap.

Sa paglipas ng panahon, dumarami ang nakikiisa sa parada bilang bahagi ng kanilang pasasalamat at sa paglaki ng bilang ng mga nakikilahok, tunay na na­ging tourist attraction ang ‘Parada ng Lechon’ na tunay namang nagpatanyag sa lalawigan.

Noong 1959, nagbuo ang mga nakatatanda ng Hermandad San Juan Bautista (Brotherhood of St. John the Baptist) upang siyang mangasiwa ng programa na kalauna’y napatanyag na ‘Parada ng Lechon’ sa Balayan, Batangas.

Show comments