High-rise buildings sa Pinas, baka ‘di kaya ang ‘Big One’

Sinabi ito ni dating Senador Nikki Coseteng sa press conference sa Pandesal Forum sa QC dahil karamihan anya sa mga developers, building owners lalo na sa nakalipas na mga taon ay gumamit ng Quenched Tempered Steel (QTS) na may mababang uri ng bakal.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi kaya ng mga gusali sa bansa lalo na ng mga high-rise buil­dings ang posibleng malakas na paglindol ng “The Big One”.

Sinabi ito ni dating Senador Nikki Coseteng sa press conference sa Pandesal Forum sa QC dahil karamihan anya sa mga developers, building owners lalo na sa nakalipas na mga taon ay gumamit ng Quenched Tempered Steel (QTS) na may mababang uri ng bakal.

“Itong Quenched tempered steel ay hindi maaaring gamitin sa welding, galvanizing. Matigas ang labas nito pero ang loob ay mahina dahil ginamitan ito ng vanadium, ang steel bars dapat walang vanadium, dapat gamitin ay micro alloy steel lalu na sa mga high rise building,” pahayag ni Coseteng.

Hinikayat din niya ang pamahalaan na i-recall ang Quenched tempered steel bars na grade 60 na nasa mga jobsite pa, nasa bodega upang hindi magamit upang makaiwas sa pagkakaroon ng substandard na mga gusali.

Anya, oras na maipagkaloob ng DILG ang mga ulat ng mga local officials sa status ng mga gusali sa kanilang lugar ay madalian nang malalaman kung kailangan pang matirahan o magamit ang mga gusali  na naitayo sa nakalipas na 10 taon.

Kahapon nagsagawa ang iba’t ibang establisimiyento sa QC ng pakikiisa sa nationwide Earthquake drill bilang paghahanda sa The Big One.

Show comments