MANILA, Philippines — Tuluyan nang ipapa-impeach ng Magnificent 7 sa Kamara ang walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto ng pabor sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, tinatapos na lamang nila ang pag-ipon ng mga kailangang dokumento para maihain ang complaint sa Kamara.
Kabilang sa grounds ay culpable violations of the constitution dahil ang Kongreso lamang ang may kapangyarihang magpatalsik sa Chief Justice sa pamamagitan ng impeachment.
Gayundin ang pagsagasa nila sa poder ng Judical ang Bar Council (JBC) na pumili ng karapat-dapat na Chief Justice.
Ground din ang betrayal of public trust dahil sa hindi pag-inhibit ng mga mahistrado lalo na ng anim na tumestigo sa impeachment hearing ng Kamara.
Nilinaw naman niya na hindi sabay-sabay o hindi wholesale impeachment ang kanilang gagawing diskarte laban sa walong Justices.
Sa halip maghahain umano sila ng complaint laban sa bawat isa sa mga ito at may uunahin lamang sila sa walo at ito ay ang anim na nag-testigo laban kay Sereno sa pangunguna ni Justice Teresita de Castro.