DFA nakiramay sa pamilya ng mga Nasawing Pinoy sa Saudi at Canada

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay ang Dept. of ­Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng 4 na Pinoy na nasawi sa aksidente sa Saudi Arabia at Canada.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos,  ng Phil Consolate General ng Jeddah, namatay ang 2 Pinoy workers habang sugatan ang 3 pang kasamahan nitong Pinoy matapos sumalpok sa isang van ang sinasakyan nilang SUV na ang driver ay isang Saudi national sa South Western City  ng Jizan.

Nangyari ang insidente nitong June13 habang bibili ng pagkain ang mga biktima para sa se­lebrasyon ng Evil First.

Sa Canada naman, namatay ang mag-asawang Pinoy habang sugatan ang 3 anak nito matapos sumalpok ang kanilang sinasakyan sa Elizabeth 11 Highway, Lethbridge, Alberta.

Sabi ni Consul General Gilberto Asoque, ng Phil. Consolate General ng Calgary, sumalpok ang sinasakyan nila sa isang overpass, malapit sa Highway 27, may 110 kilometre ang layo mula sa Calgary.

Show comments