Digong matapang sa mga tambay, tiklop sa China – Risa
MANILA, Philippines – Binatikos ni Sen. Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa utos niyang paghuhulihin ang mga tambay sa kalsada.
Tinanong ni Hontiveros ang pangulo kung ano naman ang aksyon niya sa pagtambay ng China sa Panatagal Shoal na teritoryo ng Pilipinas.
"Yan ang mahirap kay Pangulong Duterte eh. Matapang lang siya sa mga mahihirap, walang trabaho at walang kalaban-laban na mga tambay, pero tiklop naman sa China na nasa Panatag Shoal na forever na yatang tumambay," wika ng senadora.
Iginiit ni Hontiveros na hindi krimen ang pagtatambay at dapat alam ito ng pangulo bilang isa siyang abogado, kaya naman hindi dapat hinuhuli ang mga ito.
"What kind of logic is operating behind this so-called order? Bystanders are automatic criminals? Hanging out will lead to crimes? What's next? Is the President also going to criminalize the use of motorcycles because it is the vehicle of choice of riding-in-tandem criminals? It is absurd!" patuloy ni Hontiveros.
"Hanging out is not a crime. As a lawyer, he should know that his order has no legal basis. The vagrancy law has been repealed. President Duterte's arrest-all-tambays order is unconstitutional," dagdag niya.
Sinabi ni Hontiveros na ang ugat ng pagtambay ay ang kahirapan, kawalan ng trabaho, kawalan ng edukasyon.
Aniya walang pinagkaiba ang pagtambay sa kalsada ng mga tumatambay sa mga coffee shop o mall.
“It is a culture that enables people to interact with their communities. People hanging out in sari-sari stores or their favorite tambayan place in their barangays is no different from hanging out in coffee shops or malls. Or is the government discriminating against the poor?" sabi ni Hontiveros.
- Latest