^

Bansa

Killer ng pari timbog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Killer ng pari timbog!
Ang hinihinalang suspek (kaliwa) sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo habang kinukunan ng finger prints ng mga imbestigador sa Nueva Ecija Police Provincial Office sa Cabanatuan City. Ipinakita naman sa media ni Chief Supt. Amador Corpus, Regional Police Director ng Central Luzon, ang carthographic sketch ng iba pang suspek sa krimen.
Christian Ryan Sta. Ana

Positibong kinilala ng sacristan

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang pa­ngu­nahing suspek sa pa­mamaril kay Fr. Richmond Nilo na pinaslang nitong Hunyo 10 sa isang kapilya sa Zaragosa, Nueva Ecija.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Oscar Alba­yalde kasabay ng mismong araw ng paghahatid sa huling hantungan ni Fr. Nilo sa lalawigan.

Base sa report ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Dominador Corpus, kinilala ni Albayalde ang suspek na si Adell Rol Milan na nahuli sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija bandang alas-6:30 ng gabi nitong Huwebes.

Sinabi ni Albayalde na ang suspek ay positibong kinilala ng altar boy o sakristan ng simbahan na testigo sa krimen.

Ang suspek ay kabilang sa limang persons of interest na nakunan sa CCTV sa crime scene.

Sinabi naman ni Corpus na ang suspek ay isang drug surrenderee na kabilang sa tatlong persons of interest na nakita ng sakristan na naglalabas masok sa simbahan habang ang dalawa pa sa mga suspek ay naghihintay naman sa labas lulan ng getaway vehicle na nagsilbing lookout.

Sa kasalukuyan ay patuloy na isinasailalim ang suspek sa masusing tactical interrogation ng mga awtoridad sa motibo ng krimen. Patuloy din ang pagtugis sa apat pang persons of interest.

Magugunita na si Fr. Nilo, 40 anyos ay pinagbabaril pasado alas-6 ng gabi bago ito magmisa sa kapilya ng Simbahang Katoliko sa Bgy. Mayamot, Zaragosa, Nueva Ecija  noong nakalipas na Hunyo 10 ng gabi.

Si Fr. Nilo ang ikatlong pari na pinaslang sa loob ng nakalipas na anim na buwan. 

Una rito ay pinagba­baril sa Jaen, Nueva Ecija si Fr. Marcelino Paez noong Disyembre 2017 habang si Fr. Mark Ventura ay pinaslang naman matapos magmisa sa isang gymnasium sa ba­yan ng Gattaran, Cagayan noong Abril ng taong ito.  

Ang isa pa na si Fr. Rey Urmeneta, dating Chaplain sa Camp Crame ay nakaligtas naman sa ambush sa Calamba City, Laguna noong Hunyo 6 ng taon ding ito.

Patuloy namang sumi­sigaw ng hustisya ang pamilya ni Fr. Nilo kung saan bumuhos din ng ma­tinding emosyon sa ginanap na huling misa bago ilibing ang pari.

FR. RICHMOND NILO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with