^

Bansa

Pinas pangatlo sa source ng basurang plastic sa buong mundo

Pilipino Star Ngayon
Pinas pangatlo sa source ng basurang plastic sa buong mundo

MANILA, Philippines – Pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking source ng plastik na naitapon sa dagat at ang may pinakamataas na basurang nakokolekta sa Southeast Asia, ayon sa isang mambabatas.

“Marine pollution arising from plastic debris and other forms of garbage choking our waterways worsen our environmental problems,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tinutukoy ang report sa plastic pollution ng isang international environmental group.

Ang ranking ng Pilipinas tungkol sa basurang plastik ay ayon sa 2015 report ng Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment.

Hinikayat ni Barbers ang Department of Environment and Natural Resources at iba pang research bodies na gumawa ng paraan para gawing construction materials ang mga plastik para sa mga walang bahay.

“I urge the DENR and other research agencies of the government to reverse the cycle of plastic pollution by working with other countries to lessen, if not eliminate, its toxic impact on human health and ecology,” ani Barbers.

Sinabi niya na ang polusyon gawa ng plastik ay binabarahan ang mga daluyan ng tubig na siyang nagpapalala sa mga sakuna lalo na tuwing tag-ulan.

Samantala, sinabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo na kailangan ang emergency powers para matugunan ang problema sa pagbaha.

“The government should speed up the Metro Manila Flood Control Management Project which is crucial in ending the problem of intense flooding in Metro Manila during the wet season,” sabi ni Castelo na siyang chairman of the House committee on Metro Manila development.

“The Asian Infrastructure Investment Bank and the World Bank already funded this P25-billion project aimed at making Metro Manila safe from floods,” dagdag niya.

Sinabi ni Barbers na ang katatapos lang na waste and brand audit noong June 1 ay nagpakita na anim sa 10 na nangungunang plastic pollutters sa anim na malalaking lungsod sa Pilipinas ay multinational brands.

Ang audit ay ginawa ng Global Alliance for Incinerator Alternatives and Mother Earth Foundation sa Malabon at Quezon City ganun din sa Batangas City, Nueva Vizcaya, Tacloban City at San Fernando sa Pampanga.

Sinabi nito na 79 percent ng plastc residual na basura ay galing sa food packaging kasunod ay 12 percent sa household at personal care products na may 8 percent.

“The DENR should tap technology from countries that have been successful in reducing plastic footprint,” ani Barbers.

Sinabi niya na dapat ipagpatuloy ng mga Pinoy at paghihiwalay ng mga basura para mas madaling i-redo, i-reuse at i-recycle.

“It is only through our coordinated action that we could help lessen the impact of plastic pollution on our people and environment,” ani Barbers.

 

PLASTIC WASTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with