^

Bansa

Senate probe sa priest killings ikinakasa na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senate probe sa priest  killings ikinakasa na
Nais ni Hontiveros na malaman kung biktima ba ng “tokhang” sina Fr. Marcelito Paez, Fr. Mark Ventura at Fr. Richmond Nilo.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Naghain na ng Senate Resolution 764 si Sen. Risa Hontiveros para imbestigahan ng committee on public order and dangerous drugs ang insidente ng pagpatay sa mga paring Katoliko.

Nais ni Hontiveros na malaman kung biktima ba ng “tokhang” sina Fr. Marcelito Paez, Fr. Mark Ventura at Fr. Richmond Nilo.

“Are Catholic priests being ‘tokhanged’?” tanong ni Hontiveros. Gusto rin ni Hontiveros na isama sa imbestigasyon ang tangkang pagpatay kay Fr. Rey Urmeneta noong Hunyo 6.

Naniniwala si Hontiveros na mayroong pattern sa pagpatay sa mga pari sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

“Is there a systematic attempt to kill Catholic priests who are critical of the administration? Tinotokhang na rin ba ang mga pari ng simbahang Katoliko na naglakas loob na ipahayag ang kanilang kritikal na boses sa laganap na patayan, katiwalian at pang-aabuso?” pahayag ni Hontiveros.

Hindi anya dapat ituring na “isolated incidents” ang mga pagpatay sa mga pari lalo pa’t nagiging kritikal ang Simbahang Katoliko laban sa kasakuyang administrasyon.

Matatandaan na si Father Nilo ng Diocese ng Cabanatuan ay binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek bago mag-misa noong Hunyo 10, 2018. Si Cagayan priest Fr. Mark Ventura, isang kilalang anti-mining advocate ay binaril naman ng riding-in-tandem noong Abril 28 habang si Fr. Marcelito “Tito” Paez, isang human rights ay pinatay noong Dis. 4, 2017.

Nasugatan naman si Fr. Rey Urmeneta ng Calamba, Laguna matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek noong Hunyo 6.

Nangako naman si Sen. Ping Lacson, chairman ng komite, na iimbestigahan ang pagpatay sa mga pari pero kailangan aniyang maghintay ang resolusyon ni Hontiveros sa pagbubukas ng 3rd Regular session ng Kongreso sa Hulyo 23.

COMMITTEE ON PUBLIC ORDER

DANGEROUS DRUGS

RISA HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with