Binay pinakakasuhan sa maanomalyang Boy Scouts building

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng mga imbestigador ng Office of the Ombudsman na kasuhan ng graft si dating Bise Presidente Jejomar Binay at iba pang opisyal ng Scouts of the Philippines (BSP) dahil sa umano’y maanomalyang kasunduan sa pagitan ng BSP at Alphaland.

Maaaring maharap si Binay at 32 iba pang opisyal ng BSP sa kasong paglabag sa Section 3(e) at (g) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ipadadawit din sa kaso si Alphaland Makati Place Inc President Mario Oreta at tatlong opisyal ng Bureau of Internal Revenue.

Bukod sa mga nabanggit na kaso, nais din ng Ombudsman na mapanagot si Binay sa kasong administratibo para sa Gross Neglect of Duty.

Dating pangulo ng BSP si Binay na ngayon ay namumuhay bilang sibilyan.

Magsasagawa ng preliminary investigation upang malaman kung mayroong probable cause na kasuhan si Binay at iba pa.

Nag-ugat ang lahat sa pagbebenta ng BSP National Executive Board sa isang gusali sa kalye ng Malugay sa Makati na nagkakahalaga ng P600 milyon.

Naniniwala ang mga imbestigador na undervalued ang pagkakabenta dahil tinatayang nasa P1.7 bilyon dapat ito.

Sa pagdinig ng Senado noong 2015, isiniwalat ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na nakatanggap ng P200 milyon si Binay sa naturang bentahan na ginamit upang pondohan ang kandidatura sa 2016 elections.Binay pinakakasuhan sa maanomalyang Boy Scouts building

 

Show comments