Taong may depresyon tulungan - DOH
MANILA, Philippines – Matapos ang pagpapakamatay ng dalawang sikat na personalidad sa buong mundo, pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na bigyan ng atensyon ang mga taong dumaranas ng depresyon.
Sa isang interview, sinabi ni DOH Undersecretary Herminigildo Valle na ang depresyon ay hindi dapat ipinagwawalang bahala.
“We should all know the warning signs of depression so that we can help those who are suffering from it. But now in the Philippines, there is still a need to raise awareness about this condition,” ani niya.
Ayon kay Valle, 20 percent ng natatanggap na tawag ng DOH Suicide Hopeline simula nang inilunsad ito noong Setyembre nakaraang taon ay tungkol sa depresyon.
Dagdag ni Valle na karamihan ng tawag ay nagmula sa edad na 13 hanggang 29.
“We don’t have good data on suicide in the Philippines but in 2012, there were 2,550 recorded suicide. (Worldwide) it is the second cause of death in the 15 to 29 age group,” sabi niya.
Halos 90 percent ng taong gustong mag-suicide ay halata ang sintomas kung magiging alam lang ng mga tao sa paligid ang pinagdadaanan nito.
“If people start to withdraw from usual activity, or always isolate themselves and even express their thoughts, you should be alert. So it’s really important for companions and family members to know the warning signs and to actively seek help,” ani Valle.
Ang iba pang senyales ng may suicidal behavior ay pagkawalan ng pagasa, biglaan jokes tungkol sa suicide at paggawa ng mga bagay na makaksakit sa sarili niya. Ang mga comment sa depresyon ay dapat din sineseryoso, ayon sa DOH official.
Dagdag ni Valle, importanteng magbigay ng atensyon at wag basta mag-judge habang kumakausao sa mga taong may suicidal thoughts para matulungan sila.
Nanawagan si Valle sa publiko matapos ang pagkamatay ni designer Kate Spade at celebrity chef Anthony Bourdain noong nakaraang linggo sa US at France. Ang dalawa ay sinasabing nakakaranas ng depresyon.
Noong nakaraang Hunyo 6, ang 33 taong gulang na si Ines Zorreguieta, ang pinakabatang babae ni Queen Maxima ng Netherlands ay maaring namatay sa suicide sa Argentina.
Ang Suicide Hopeline ay pwedeng tawagan sa (02) 8044673; 0917-5584673 o 2919 toll free para sa Globe at TM subscribers.
- Latest