^

Bansa

CBCP kontra sa pag-aarmas ng pari

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
CBCP kontra sa pag-aarmas ng pari
Iginiit ni Archbishop Valles na bilang mga pari ay bahagi ng kanilang mi­nistry na maharap sa pa­nganib maging kamatayan.
File

MANILA, Philippines — Mariing tinutulan ni Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) President Davao Archbishop Romulo Valles na bigyan ng armas ang mga pari para sa kanilang kaligtasan.

Iginiit ni Archbishop Valles na bilang mga pari ay bahagi ng kanilang mi­nistry na maharap sa pa­nganib maging kamatayan.

Inihayag ng Arsobispo na katungkulan nilang harapin ang anumang pa­nganib upang tuparin ang misyon kay Kristo.

Tutol din si Military Ordinariate Administrator Bishop Oscar Jaime Florencio na armasan ang mga pari.

Nilinaw ni Bishop Flo­rencio na ang pag-aarmas ng mga pari ay lalo lamang magdudulot ng kaguluhan. Hindi rin nito mareresolba ang problema.

Si Rev. Fr. Richmond Nilo, 44, ng Diocese ng Ca­banatuan ay nabaril at napatay ng hindi pa naki­kilalang salarin sa altar ng Nuestra Señora dela Nieve sa Mayamot, Zaragosa, Nueva Ecija noong Linggo ng Hunyo 10.

Bukod kay Father Nilo, December 4 nang binaril at napatay si Fr. Marcelito Paez sa Jaen, Nueva Ecija. Binaril din at napatay si Fr. Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan noong April 29.

Ligtas at nagpapaga­ling na si Fr. Rey Urmentera ng Diocese of San Pablo na binaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin noong Hunyo 6.

vuukle comment

CATHOLIC BISHOPS CONFE­RENCE OF THE PHILIPPINES

ROMULO VALLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with