China iimbestigahan ang pang-aagaw sa mga mangingisdang Pinoy
MANILA, Philippines – Tiniyak ng China na iimbestigahan nila ang insidente ng pagkuha ng mga Chinese ng mga isdang nahuli ng mga mangingisdang Pilipino sa Panatag (Scarborough) shoal sa kabila ng malayang pangingisda sa katubigan.
Iniulat ng GMA News nitong nakaraang linggo na sapilitang kinuha ng Chinese coast guards ang mga magagandang huli ng mga mangingisdang Pinoy sa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.
Walang sinumang bansa ang maaaring mangharang ng mga mangingisda sa naturang lugar.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang sa isang pulong balitaan na sa kabila ng ulat ay nananatiling matapat sa batas ang Chinese coast guard.
“China has made appropriate arrangement for the Philippine fishermen to fish in relevant waters out of goodwill. This policy remains unchanged,” ani Geng.
“The Chinese coast guards have been safeguarding peace, order and tranquility in relevant waters and offered humanitarian aids to Philippine fishermen for many times... As to whether the situation mentioned by the media exists or not, the Chinese side is now conducting an investigation seriously,” dagdag niya.
Nabawasan ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa ilalim ng administrasyong Duterte kabaligtaran ng maasim na relasyon ng dalawang bansa sa pamumuno ni noo’y Pangulo Benigno Aquino III.
Dahil ito sa pagsasampa ng kaso ng gobyerno sa international tribunal kung saan pinaboran ng korte ang Pilipinas.
Inulan ng batikos si Duterte sa hindi pagpalag sa China dahil sa paglalagay ng missile systems at nuclear-capable strategic bombers sa lugar.
Related video:
- Latest