MANILA, Philippines — Bunga ng pamamaslang sa iba’t-ibang indibidwal katulad ng mga pari, Iginiit sa pamahalaan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang muling pagpapatupad sa parusang kamatayan sa ating bansa.
Sinabi ni VACC Vice Chairman Arsenio Evangelista na ang mga insidente ng karahasan ngayon lalo na ng pamamaslang sa mga pari ay hindi na makatwiran kaya napapanahon na ang pagbuhay sa parusang bitay.
Idiniin ni Evangelista na ang karahasan sa ngayon ang inaasahang magpapabago sa posisyon ng Simbahan hinggil sa usapin ng death penalty lalo pa’t sa loob pa lamang ng anim na buwan ng taong ito ay tatlong pari na ang napapaslang.