MANILA, Philippines — Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sumailalim sa drug test ang mga bus drivers kundi ay hindi dapat sila payagan na magmaneho.
Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay mayroon ding karelyebo ang mga bus drivers lalo sa long drive para na rin sa kapakanan ng mga pasahero nito.
Ayon sa Pangulo, kailangan isulong ng pamahalaan ang nasabing patakaran sa harap na rin ng mga naitatala na mga trahedya sa kalsada kamakailan.