^

Bansa

Pinas pang-12 sa top internet users sa buong mundo

Pilipino Star Ngayon
Pinas pang-12 sa top internet users sa buong mundo

MANILA, Philippines – Sixty-seven milyon sa 104 milyon Filipinos – o 63 percent ng kabuuan ng populasyon – ay social media savvy at gumagamit ng Internet kahit ito’y mabagal kaya naman pang-12 ang Pilipino sa top 20 internet users sa buong mundo.

Ito ang resulta ng bagong ulat na inilabas ng Internet World Stats’ ranking kung saan pang-15 ang Pilipinas – o tatlong pwestong mas mababa – noong nakaraang taon.

Nangunguna ang China sa buong mundo na may 772 milyon users mula sa higit isang bilyon tao; pangalawa ang India na may 462 milyon users mula sa bilyon nilang populasyon; pangatlo naman ang USA na may 312 milyon users.

Pang-apat ang Brazil na may 149 milyon; pang-lima ang Indonesia na may 143 milyon; pang-anim ang Japan na may 118 milyon; pang-pito ang Russia na may 109 milyon; pang-walo ang Nigeria na may 98 milyon; pang-siyam ang Mexico na may 85 milyon at pang-10 ang Bangladesh na may 80 milyon.

Pang-11 ang Germany (79 milyon) kasunod ng Pilipinas (67 milyon), Vietnam (64 milyon), United Kingdom (63 milyon), France (60 milyon), Thailand (57 milyon), Iran (56.7 milyon), Turkey (56 milyon), Italy (54 milyon) and Egypt (48 milyon).

Ibinase ng Internet World Stats ang kanilang data mula sa  International Telecommunications Union at sa Facebook Inc.

INTERNET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with