MANILA, Philippines — Iginiit ni Pangulong Duterte na ang pagiging arogante at mayabang ni Sen. Antonio Trillanes IV ay baka maging mitsa para mabaril siya sa hinaharap.
“You know how politicians are. Trillanes is always trying to act tough and threatening and thinks he’s better than he is,” sabi ng Pangulo sa isang event sa Cebu kamakailan.
Masyado umanong tiwala si Trillanes dahil minsan siyang naging bahagi ng Armed Forces of the Philippines.
“He feels confident because he’s from the Armed Forces, the Navy. But who would believe him? He likes to fight a lot. He was part of the Magdalo before and was pardoned by [former President Benigno] Aquino. Now look what happened. He’s always calling for a fight,” dagdag ni Dutete.
“He believes that he’s the only tough one around because nobody fought him back. But there will come a day that someone will shoot him because he’s arrogant,” wika pa ng Pangulo.
Nasangkot si Trillanes sa 2003 Oakwood mutiny at nakulong pero binigyan ng amnesty ni dating Pangulong Aquino.
Nanindigan naman si Trillanes na patuloy niyang lalabanan ang mga tiwali, corrupt at mapang-api at abusado tulad umano ni Duterte.
“I have never bullied the helpless and innocent,” giit naman ng mambabatas.
Aniya, si Duterte lang naman ang gusto siyang mamatay, kaya kapag may bumaril sa kanya ay si Duterte lamang umano ang utak nito.