Trillanes most productive na senador

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kakulangan sa pagdalo ng mga sesyon ng Senado, si Sen. Antonio Trillanes IV ang may pinakamaraming panukalang batas na naihain sa Senado

Ayon sa Senate Legislative Bills and Index Service nitong Mayo 31, 2018, nakapagtala ng 322 bills at resolutions ang senador na kilala sa pagiging kritikal sa administrasyon Duterte.

Pumangalawa sa kaniya si Sen. JV Ejercito na may 258, habang may 256, 255 at 252 sina Sens. Bam Aquino, Joel Villanueva at Loren Legarda, ayon sa pagkakasunod.

BASAHIN: Sotto, Pimentel, Zubiri, Lacson perfect attendance sa Senado

Sinabi ni Trillanes na hindi niya pinababayaan ang kaniyang trabaho bilang mambabatas kahit kabilang siya sa oposisyon.

“Hindi ba ‘yun ang mas importante kaysa naka-attend ka nga diyan, araw-araw kang uma-attend pero wala ka namang ginagawa,” sabi ni Trillanes sa ulat ng GMA News.

“I’m the most productive in terms of the numbers of bills filed. I’m in the top five at least sa pinakamaraming sponsored na bills. So, ginagawa ko ‘yung trabaho ko.”

Sa lahat ng senador, si Trillanes ang may pinakamaraming hindi nadaluhan sa ikalawang regular session ng 17th Congress kung saan 52 beses lamang siya nakadalo mula sa 79, dahil sa kaniyang 23 official mission at apat na liban.

Ayon sa opisina ng senador, si Trillanes ang may pinakamaraming naipasang bills at resolutions na umabot ng 1,434 mula ng 14th congress, kung saan 76 dito ay naisabatas.

Ilan sa mga ito ang Salary Standardization Law, Anti-Bullying Law, Archipelagic Baselines Law, New AFP Modernization Act, Immediate Release of Retirement Benefits of Government Employees at Magna Carta for Persons with Disability.

Show comments