^

Bansa

Plastic sa karagatan mas magiging marami pa sa isda sa 2050

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Plastic sa karagatan mas magiging marami pa sa isda sa 2050
Ayon kay Pimentel, dapat ng mag-isip ang mga Filipino at ikonsidera ang hindi paggamit ng plastic bilang tulong sa kalikasan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kasabay nang pagdiriwang ng World Oceans Day, umapela si Sen. Koko Pimentel na iwasan na ang paggamit ng plastic na inaasahang mas magiging marami pa sa mga isda sa karagatan pagsapit ng 2050.

Ayon kay Pimentel, dapat ng mag-isip ang mga Filipino at ikonsidera ang hindi paggamit ng plastic bilang tulong sa kalikasan.

Sa report ng Ocean Conservancy noong 2015, mahigit sa kalahati ng 8 milyong metric tons ng plastic sa karagatan taun-taon ay mula sa  bansa na kinabibilangan ng China, Indonesia, Philippines, Thailand, at Vietnam.

Sa paglakas ng ekonomiya at produksiyon, mas tumataas din ang plastic waste.

Maituturing aniyang isang malaking “disaster” sa lahat kung tuluyang mawawala ang fishing industry at livelihood dahil lamang sa mga plastic.

Inirekomenda ni Pimentel na iwasan na ang mga “single-use plastic bags” at maging mandatory ang paggamit ng mga biodegradable na plastic.

Balak ni Pimentel na isulong ang panukalang batas na maglilimita sa paggamit ng plastic sa industriya at iba’t ibang uri ng kalakal.

PLASTIC POLLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with