^

Bansa

Agarang tulong kailanganng Pinoy dahil sa TRAIN

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Agarang tulong kailanganng Pinoy dahil sa TRAIN
Sa halip anyang ipagtanggol ang TRAIN Law dapat solusyunan na lang ang pagtaas ng presyo.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sa halip na magdahilan at maglabas ng nakalilitong pahayag, nanawagan si Sen. Bam Aquino sa pamahalaan na bigyan ng agarang tulong ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagresolba sa mataas na presyo ng bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa halip anyang ipagtanggol ang TRAIN Law dapat solusyunan na lang ang pagtaas ng presyo.

Tinutukoy ni Sen. Bam ang sinabi ng National Economic Development Authority na kayang mabuhay ang isang pamilya na may limang miyembro sa P10,000 kada buwan, o P127 araw-araw para sa pagkain.

“Marami na ngang nasagasaan at nalulunod na sa pagtaas ng presyo, huwag na bilugin ang mga Pilipino. Tama na ang mga palusot, tulungan na lang natin ang mga pamilyang nahihirapan,” dagdag ni Bam, isa sa apat na senador na bumoto laban sa tax reform program ng pamahalaan.

Sa hiwalay na resolusyon, hiningi rin nito ang pagrepaso sa unconditional cash transfer program sa ilalim ng TRAIN Law. Anim na buwan matapos ang implementasyon ng TRAIN Law, hindi pa naipatutupad nang buo ng pamahalaan ang unconditional cash transfer program.

Related video:

TRAIN LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with