MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Duterte na magdedeklara siya ng national emergency sa mga darating na araw dahil sobra-sobra na ang kriminalidad na nangyayari sa bansa.
“Wina-warningan ko kayong mga kriminal nasa gobyerno, nasa labas, I will make radical changes in the days to come,” sabi ng Pangulo.
Anya, hindi siya mangingiming gamitin ang kanyang emergency powers upang ilagay sa ayos ang bansa.
Pinuna ng Pangulo ang tumataas na krimen gaya ng kidnapping at murder.
“Remember that there is no difference between martial law and declaration of national emergency,” dagdag niya.
Nagbabala rin si Pangulong Duterte sa publiko ng isang military takeover kapag umabot sa malalang sitwasyon ang bansa.
“If this happens, no one can guarantee that the military will give its control over government back to civilians,” dagdag pa ng Pangulo.
Binalaan din ng Pangulo ang mga pasaway na government offices.
“For those offices na hindi talaga ma-control, I will place you under the Office of the President. Ako na mismo ang kaharap mo araw-araw,” sabi pa ng Pangulo.
Magugunita na ilang government officials ang kanyang sinibak na karamihan ay malalapit pa sa kanya dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa corruption.