^

Bansa

Nat’l emergency vs krimen idedeklara ni Pres. Rody

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Nat’l emergency vs krimen  idedeklara ni Pres. Rody
“Wina-warningan ko kayong mga kriminal nasa gobyerno, nasa labas, I will make radical changes in the days to come,” sabi ng Pangulo.
File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Duterte na magdedeklara siya ng national emergency sa mga dara­ting na araw dahil sobra-sobra na ang kriminalidad na nangyayari sa bansa.

“Wina-warningan ko kayong mga kriminal nasa gobyerno, nasa labas, I will make radical changes in the days to come,” sabi ng Pangulo.

Anya, hindi siya ma­ngingiming gamitin ang kanyang emergency po­wers upang ilagay sa ayos ang bansa.

Pinuna ng Pangulo ang tumataas na krimen gaya ng kidnapping at murder.

“Remember that there is no difference between martial law and declaration of national emergency,” dagdag niya.

Nagbabala rin si Pa­­ngulong Duterte sa publiko ng isang military takeover kapag umabot sa malalang sitwasyon ang bansa.

“If this happens, no one can guarantee that the military will give its control over government back to civilians,” dagdag pa ng Pangulo.

Binalaan din ng Pa­ngulo ang mga pasaway na government offices.

“For those offices na hindi talaga ma-control, I will place you under the Office of the President. Ako na mismo ang kaharap mo araw-araw,” sabi pa ng Pangulo.

Magugunita na ilang government officials ang kanyang sinibak na karamihan ay malalapit pa sa kanya dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa corruption.

NATIONAL EMERGENCY

PANGULONG DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with