Ulan ni Domeng lalawak pa
MANILA, Philippines — Kahit hindi inaasahang mag-landfall ang bagyong Domeng, magdadala naman ito ng mga pag-uulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Eastern Visayas at Bicol gayundin sa MIMAROPA at Western Visayas kasama ang western section ng Luzon at Metro Manila.
Taglay ni Domeng ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 60 kilometro bawat oras.
Si Domeng ay patuloy ang pagkilos sa hilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Patuloy namang pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar dahil sa banta ng flashfloods at landslides dulot ng mga pag-uulan na dala ni Domeng.
Inaasahan naman na aalis na si Domeng sa bansa sa araw ng Linggo.
- Latest