MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na naging mapayapa at maayos ang pabubukas ng school year 2018-2019 kahapon.
Ayon kay DepEd Secretary Loenor Briones, sa pangkalahatang sitwasyon ay wala silang natanggap na ‘untoward incident’ na may kaugnayan sa pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Aniya, nasa kabuuang 27.7 milyong mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ang magbabalik eskwela kabilang ang 2.8 milyong mag-aaral mula sa Senior High School (SHS), 7.6 milyon ang mula sa Junior High School (JHS), 14.4 milyon ang mula sa elementary at dalawang milyon mula sa kinder.