^

Bansa

Duterte kiss walang malisya

Joy Cantos, Rhodina Villanueva, Rudy Andal, Christina Mendez - Pilipino Star Ngayon
Duterte kiss walang malisya
“Walang malisya iyon,” diin ng babae na nakilala sa ulat ng Philippine News Agency na si Bea Kim na matagal nang nagtatrabaho sa South Korea.
PTV via AP

Sabi ng hinalikang OFW

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Pilipinang hinalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labi sa pulong nito sa mga overseas Filipino worker sa Seoul, South Korea kamakalawa na “walang malisya” sa ginawa ng Punong ehekutibo.

“Walang malisya iyon,” diin ng babae na nakilala sa ulat ng Philippine News Agency na si Bea Kim na matagal nang nagtatrabaho sa South Korea.

“Iyung kiss, parang twist lang iyun, pampakilig sa mga audience. Walang ibig sabihin iyun, promise... Sa kaniya, sa akin, walang ibig sabihin,” dagdag niya sa kanyang mensahe sa kanyang facebook page.

Nabatikos ng ilang netizen sa social media at ng grupong Gabriela ang Pangulo dahil sa paghalik niya sa isa nitong babaeng supporter sa entablado kasabay ng pakikipagkita niya sa may 2,500 Pilipino sa Seoul kamakalawa ng gabi.

Nang matapos ang dalawang oras na programa, hinalikan ni Duterte si Kim sa harap ng mga miyembro ng kanyang Gabinete at ng maraming tao na nagwawagayway ng bandilang Pilipino at isinisigaw ang pangalan ng Pangulo.

Si Duterte ang unang humingi ng halik sa dalawang babae na umakyat sa entablado para kumuha ng kopya nang ipinamimigay niyang librong “Altar of Secrets.”

Bago siya humalik, tinanong ni Duterte ang babae kung dalaga ito. “Hindi po,” sagot ng babae pero meron anya itong asawa.

Tinanong ni Duterte kung maipapaliwanag ng babae na magiging make-believe lang iyon. “Kaya mong sabihin kung biro lang kahit dito, sabi niya sabay turo sa kanyang mga labi.

Halatang tuwang-tuwa ang babae na nakita nang malapitan si Duterte nang personal.  “Okay lang po,” sagot nito.

At naganap ang halik sa harap ng maraming tao na ikinatuwa ng audience.

Ayon naman kay Joms Salvador, secretary ge­neral ng militanteng women’s group na Gabriela, isa iyong nakakadismayang palabas  ng isang misogynist president na nag-aakalang nararapat niyang pababain, hiyain o bastusin ang mga babae alinsunod sa kanyang gusto.

Sinabi naman ni Magdalo Partylist Gary Alejano na  mali ang inasal ni Pangulong Duterte  at isa itong kahihiyan lalo na sa  mata ng buong mundo at bilang lider ng Pilipinas ay dapat iangat nito ang dangal ng kababaihan sa halip na ibagsak sa harapan ng mga naghihiyawang panatiko nito na mistulang isang palabas sa telon.

Iginiit kahapon ni Sen. Rissa Hontiveros na hindi dapat sisihin ang OFW sa kissing incident kay Duterte sa Filipino community event sa South Korea kamakalawa.

“Ang Pangulo ang dapat kumilos nang may pagti­timpi, respeto at makatarungan, bagay na inaasahan sa hinahawakan niyang posisyon,” sabi pa ni Hontiveros. 

Related video:

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PHILIPPINE NEWS AGENCY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with